welcome to the misadventures of droz

Friday, October 07, 2005

PITONG GININTUANG ARAL NI MARIO

si mario ang idol ko.

kumakain ng gulay, pumapatay ng mga masasamang pagong, hindi nalulunod, nakakasakay sa mga dinosaurs, nakakapagbuga ng apoy, matinik sa tsiks, mayaman, maraming buhay, lumilipad, mabilis, bibo, kayang sumira ng hollow blocks gamit ang ulo at higit sa lahat, napapatay niya ang mga kalaban hindi dahil sa lakas ng katawan, ngunit dahil isa siyang astig na nilalang.

para sa akin, nagawa na ni mario ang lahat.

umakyat siya ng mga matatayog na bundok, nilusob niya ang mga haunted house na puno ng impakto, inaabot niya ang ulap, nagsscuba diving, naninira ng mga kaharian. ginawa na niya ang mga pwede pang gawin ng ibang mga characters sa laro.

hindi lang si mario ang nagsilbing inspirasyon at ang training ko sa paglalaro ng video games, pero kahit sa buhay, siya ang naging idolo ko.

1) tinuruan ako ni mario kung paano magmahal.
baket ba parating hinahabol ni mario si koopa? isa lang naman talaga ang dahilan, kinikidnap ni koopa ang kanyang minamahal, si princess toadstool. taenang koopa yan, ano kayang gusto niya don sa babaeng yon? di naman niya nirarape.. skwater, nagpapahabol lang talaga siya kay mario. pero ayon, si mario, ginagawa ang lahat para lang maligtas ang kanyang minamahal.. kung walang pagmamahal si mario sa katawan niya, taena, hinayaan na niyang mamatay o marape dati pa si princess toadstool. tinuruan ako ni mario na ganon dapat magmahal. kung mayroon kang taong iniibig, gagawin mo ang lahat, lulusubin mo ang kung ano man para sa kanya.

may nakukuha ba si mario sa princess pag naliligtas niya yon? wala.

walang pera, walang buhay, walang extra stage. kiss lang. matapos ang lagpas 20 na worlds at mga sampung stages bawat world, kiss lang ang binibigay sa kanya. pero sa tingin niyo ba nagrereklamo si mario? hindi. kasi ganon ang pagmamahal, dapat gawin mo ang lahat ng makakaya mo, at wag kang umasa ng kapalit, wag ka umasa ng bayad. umibig ka ng parang hindi ka pa umiibig buong buhay mo, kung magmamahal ka na rin, mahalin mo na ng lubusan.

si mario ang nagturo sa akin niyan.

2) pag may tiyaga, may nilaga.
si mario ang pinakamatiyagang character na nakita ko. dadaanan niya ang lahat, kukunin niya ang mga pwedeng makuha, kakainin niya ang kahit na anong gulay, sasakyan niya ang kahit na anong dinosaur basta lang makakatulong ito sa kanya. kung ako si mario, matagal ko nang hinayaan si princess toadstool at naghanap nalang ako ng ibang babae. meron naman sigurong ibang babae sa mundo niya. puta, hasel naman yon kung wala.

nagtiyatiyaga si mario para makakuha ng isang daang ginto. isang daang ginto para sa isang buhay. pinagtiyatiyagaan niya ang pagkuha ng 100 lives doon sa isang stage na kailangan mo ng dalawang pagong. kung hindi niyo alam yon, kunin niyo nalang yung salita ko: MATAGAL YON. at hindi lang basta basta nagagawa. ilang ulet kong ginawa yon para lang makuha ng tama. pero si mario, kahit ilang ulet, pagtiyatiyagaan niya, at sa pagtiyatiyaga niyang iyon, nakakuha siya ng maraming buhay.

3) pinakita niya sa akin ang totoong ibig sabihin ng brotherhood.
hindi masyadong halata sa game, kasi parati silang nagsasalit ng pagkakataon maglaro, pero nagpakita si mario ng matinding sense ng brotherhood. napakita niya rin na nirerespeto niya ang kanyang kapatid.

kasi ganito ang storya niyan, si mario, kulay blue talaga dapat ang costume, diba red and blue siya? dapat pure blue lang yon. kaya lang, si luigi kasi, sobrang gusto ang green. nagpumilit si luigi na green dapat ang sa kanya.. hindi nakipagaway si mario, hindi siya nagpumilit, siya ang nagpalit ng kulay. ngayon, baket kailangan niyang magpalit? kasi, alam nila ang ateneo lasalle rivalry, e ayaw ni mario sumalungat, kaya gin awa nalang niyang red.

ganon niya kamahal ang kanyang kapatid. sinasakripisyo niya ang gusto niyang kulay para lamang sa ikasasaya ni luigi.

astig talaga si mario.

4) siya ang dahilan kung baket ako kumakain ng gulay.
ilang beses na akong pinapakain ng gulay ng nanay ko noong bata pa ako. pero kahit anong gawin niya, ayoko talaga. nung binigyan niya ako ng family computer at super mario, dun lang ako nagsimula kumain ng gulay. si mario kasi ang naginspire sa akin.

pag kumakain si mario ng mushrooms, lumalaki siya. pag kumakain siya ng bulaklak, bumubuga siya ng apoy. tapos ginagamit niya ito para matalo ang mga kaibigan. ang galing kasi napasok pa ni mario na ang mga gulay, importante para matalo natin ang sarili nating mga "monsters" sa buhay. napasok niya rin ang ideya ng healthy diet. inam.

5) dapat na maging tao tayo ng mundo.
lahat ng parte ng mundo, napuntahan na ni mario. bulkan, patag, dagat, bundok, ulap. parang pinapakita niya sa atin na dapat maging mas malawak ang alam natin sa kapaligiran. hindi dahil nasa patag ka, at komportable ka don, dun ka na parati.. porke taong bundok ka, hindi ka na lalangoy sa dagat.

sinasabi ni mario na dapat alam natin ang lahat ng posibleng lugar at maging ok tayo doon. pareho lang dapat ang pagtalon natin sa bulkan man o sa patag.

matalinhaga ang linya na yan, hindi naman siguro kayo tanga para hindi makuha yan diba? haha.

6) ang paggamit ng mga bagay sa paligid ay importante sa sariling paglusong.
ang resourcefulness ng tao. ginagamit ni mario ang mga bagay sa kanyang kapaligiran para sa sarili niyang kabutihan. naiisip niya na pwede palang gamiting ang shell ng pagong para pampatay sa iba pang pagong. nakita niya na pag nahawakan niya ang bituwin, magiging imposible siyang tablan ng mga halimaw.

pinagmasdan niya ang kapaligiran at nakita itong makakatulong sa kanya.

7) ang panghuli, ang paggamit ng utak.
nakita niyo naman na si mario, hindi nakikipagsapakan. hindi gumagana ang apoy niya sa mga boss. pero natatalo parin niya ang mga ito. pano niya nagagawa yon kung wala siyang lakas ng braso at mga armas? pinapagana niya ang makinarya sa utak niya. ginagamit niya ang lahat ng kanyang natutunan at kaalaman.

dito na pumapasok ang lahat ng konsepto. nadadala siya ng pagmamahal niya sa kanyang princessa. binubuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang mahal. hindi basta bastang namamatay si koopa, kaya talagang kailangan niya itong pagtiyagaan. kumukuha rin siya ng lakas ng katawan at isipan sa kanyang kapatid. inaalala niya ang pagkapula ng suot niya at naaalala niya ang kanyang pagmamahal kay luigi. ang pagkain niya ng gulay ang naghahanda sa kanya sa pagsubok na ito. binibigyan siya ng lakas ng katawan at tatag ng tuhod. Ang pagiging tao ng mundo ay ang naghasa sa kanya p ara makaaksyon at makapagisip siya, kahit sa mga hindi komportableng sitwasyon. at ang paggamit niya ng bloke sa paligid o ang pagbalik ng mga tira sa kalaban ay nakikita niya dahil siya ay magaling magmasid ng kapaligiran.

ang galing talaga ni mario, at hindi dapat ito basta basta lang kinakalimutan o hinahayaan.

lumipas ang mahigit sa labing tatlong gaming na taon sa buhay. at sa dami ng mga laro na nalaro ko na, bumabalik lang lahat ito sa mario.

kaya nakakaasar yung mga bata ngayon e. dahil lang maganda ang graphics at maraming sumasabog, ayos na. kaya nga pag may bata akong nakikita tapos parang ewan yung ginagawa niya, sasabihan ko ng "hoy bata, mag mario ka muna.." kasi yun talaga ang simula ng lahat. hindi pacman, hindi bomberman, mario.

si mario ang idol ko. kung hindi dahil sa kanya, ibang tao ako ngayon, kung wala siya, malamang nawawala na rin ako, parang mga bata ngayon na walang alam sa mga ginagawa nila.

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

astig ka talaga andro. Ako din gagawa...sa PACMAN naman.! hehehe,,
may bagong nga pla akong blog...yoko na sa friendster. hehe,,

10 October, 2005 12:07  
Blogger droz said...

blogger ka na din gelai? hehe! naglilipatan na talaga dito e. boring yung friendster e. pati c chevy dito na. hehe!


chevy! sensya, dami ko ginawa nung weekend. di ako nakasama sa rolling-polling booth. sa week end na lang. sa kubo tayo. hehe!

10 October, 2005 14:24  
Anonymous Anonymous said...

actually d rin ako natuloy, heheh...

sinipag =))

10 October, 2005 20:16  

Post a Comment

<< Home