welcome to the misadventures of droz

Wednesday, September 07, 2005

safeguard

ano ba tong nagawa ng safeguard sakin? bakit kaya hindi ako maka-ligo pag hindi safeguard yung gamit ko? feeling ko hindi ako lumilinis. ano ba talaga kaibahan nito sa ibang sabon? superior skin germ protection? yung guarantee nila na 99.9% ng germs mo sa katawan kaya nila tanggalin? yung 24 hour period na mamamatay yung germs na dadapo sayo? bakit ba ganun? PUTA!! e pare-pareho naman yung ingredients nun sa ibang sabon. tsaka bakit kailangan WHITE soap yung gamitin? may mga kagaya ko ba dito? ewan ko lang ah, kakaiba kasi sila mag-commercial e. kahit na sobran pauli-ulit lang yung ginagawa nila. wala namang creativity, wala namang sikat na artista, wala man lang paputok o visual effect kundi yung KONSYENSYA mong nagsasabi na safeguard yung bilihin mo. eto yung mga classic na examples ng commercials nila na mula pa nineteen-kopong-kopong...

1. may putok si mister at nahihiya ka at baka mapansin ng boss nya yung maasim-asim na amoy... (enter conscience) hoy babae, safeguard gamitin mo kasi may superior skin germ protection na lalaban sa putok ng mister mo. (enter scene with boss) aba, inamoy-amoy na siya ni kalbuhing bossing, na-promote pa!

2. may sugat na hindi gumagaling si bunsoy at iyak siya ng iyak kasi masakit daw, nagnanana, may tren at pari na lumalabas sa sugat nya... (enter conscience) itapon mo na yang sabong panlaba, eto safeguard para gumaling yung sugat ng anak mo at hindi pa mag-peklat. (naglalaro ulit si bunsoy) proud na proud si nanay kasi mabilis tumakbo yung anak nya habang hinahabol ng mga batang basagulero.

3. may ga-alatires na tigyawat si dalagita. iyak siya ng iyak at depressed kasi may date siya bukas with nardo... (enter consicence) kasi naman hindi yang bareta mo ang hiyang sa balat ni diday. safeguard ang gamitin mo, approved pa ng PAMET. e nay, ano ba yung PAMET? wala namang ganun e. inimbento lang ni safeguard yun para naka-benta sila. para lang yang MCNAP ng pampers at PDA ng colgate. putang ina! gusto mo bang mawala yang tigyawat mo? (enter poging-poging nardo) haaay... sa ganda ni diday, nawala tuloy ang virginity (blame it on safeguard)

pero buo parin ang loob ko, safeguard parin ang sabong gagamitin ko. nakakapaputi pa yung safeguard papaya. watch out april boy!

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

A real enlightening blog. Don't stop now. Here's the resolve a lot of people are searching for; how to buy & sell everything, like network monitoring software on interest free credit; pay whenever you want.

08 September, 2005 11:51  
Blogger droz said...

putang ina mo anonymous! kung mag-comment ka pa sa blog ko, tatalupan kit ng anit! wala kang silbi! may-anghit kaliwang alak-alakan mo!

13 October, 2005 16:32  
Anonymous Anonymous said...

astig ka magsulat! walang peke-an!
lalo na tungkol dito sa safeguard! agree ako dyan! woohoo!

more angas!

02 February, 2007 21:42  

Post a Comment

<< Home